Bawat babae ay may kanya kanyang trip. At ang bawat lalake eh meron namang kanya kanyang ugali.
Sa tingin ko lang ha. Papangalan natin silang MR.
1. Mr. Mindman -
Ito yung mga taong matatalino talaga. Simulat sapul. Simula elementary hanggang college. Hanggang gumraduate dala nila ang utak nila at napaka intelehentong tao naman talaga. Marami siyang ambisyon sa buhay. Masikap siya sa trabaho. Ito yung mga taong mahihilig magbasa ng libro. Mga dyaryo at kung ano ano pa basta may lamang impormasyon at kaalaman.
2. Mr. Player -
May mga babaeng gusto ang adventure. Mas gusto nilang kumuha ng boyfriend na babaero. Siguro aasa silang sila ang makakapagpatino nito? Kung baga ito yung mga babaeng gusto ay yung “chick boy” na lalake. Yung isang ngiti lang eh nakakalaglag panty na. Ang mga babaeng mahilig sa Mr.Player personality ay yung mga taong hindi handa sa long term relationship. Kundi sa mga fling fling lamang.
3.Mr.Buddy-
ito ang personalidad ng lalake na madaling makakahanap ng kaibigang babae. Dahil ang babae eh karamihan ay madrama sa buhay o kaya naman ay puno ng problema. Kaya kailangan nila ng lalakeng masasandigan at malalambing. Ang lalake ang tatayong sandalan ng babae. Lalakeng maiiyakan. In short, Lalakeng masasabihan ng problema.
4. Mr.Action Man-
ang mga lalakeng hilig ay adventure. Nagugustuhan ito ng babae dahil alam nilang hindi ordinaryo ang kaibigan o magiging boyfriend nila sa hinaharap. Laging makaasa ang babaeng may kakaibigang gagawin si lalake. Dahil hindi takot si Mr.Action Man na magkamali hanggat hindi niya napapasaya itong babaeng ito.
5. Mr.Blogger -
AHEM AHEM AHEM. Ito naman ang ibang gusto ng ibang babae. Dahil sa may humor na ito. Minsan nagiging malalim pa ito. Malakas daw ang appeal ng mga taong ito. Dahil maraming nalalaman. Hindi man sa kanila nanggaling yung iba. Iba naman daw yung maraming nababasa. Gusto nila yung personalidad nilang ito dahil alam nilang iba ang mararating nila kapag kasama ang taong ito.
6. Mr.Loverboy-
Rare na daw ito. Ito ang mga taong sino nga ba naman hihindi kung ikaw ay makakahanap ng isang lalakeng alam ang bawat kiliti ng babae? Ang bawat kilig? Ang bawat effort na gusto ng babae? Mala john lloyd effort nga ika ng karamihan.
7. Mr.Humor-
Nagugustuhan ito ng babae dahil sa gusto nilang laging tumawa. Kapag kasama nila ang taong ito nakakalimutan nila ang problema. Para bang laging may ngiti sa kanilang labi. Nakangisi ka lagi. Mga lalakeng mahilig sa cheesy lines at jokes. Kung baga hindi nauubusan ng bala sa utak at bibig.
8. Mr. Thinker -
Ito yung mga ugali ng kalalakihan na katulad ng Mr.Blogger malalim mag isip. Mahilig mangarap kahit umaga. Mahilig mag isip ng mga bagay na imposible. Minsan misteryoso. Minsan hindi mo alam kung ano ang iniisip. Minsan nasa isang sulok at sobrang tahimik. Pero hindi mo alam puro ikaw lang pala ang nasa isip. Nag iisip siya ng mga bagay na maaring magpasaya sayo araw araw. Hindi lang niya mahal ang sarili mo. Kundi ang mga taong nakapaligid sayo.
9. Mr.Big Daddy -
Ito yung mga long term relationship na tao. Ito yung mga taong gusto ng stable na relasyon. Ito ang mga gusto ng babae na ayaw pang masaktan. Kaso paano nilang malalaman na tama na pala yung lalakeng napili nila? Ito ay yung pag sasakripisyo ng babae at nang lalake para sa relasyon mapaganda lang ang takbo. Kaya tinawag na Big Daddy. Dahil malaki ang iyong puso. Mataba ang iyong puso.
10. Mr. Computer -
Ito naman ay nagugustuhan ng babaeng kapwa gamer. Gusto nila ng partner na makakaintindi sa ginagawa nila. Mga sabay kayong mag papalevel. Sabay kayong maglalaro. Dito iikot mundo niyo. Dito kayo magiging masaya. Dito kayo mag bobonding. At kapag patay na oras. May mapagkwekwentuhan kayo. Habang kumakain pwede niyong pag usapan ang mga susunod niyong lalaruin at pag papalevelan.
No comments:
Post a Comment