From Here To Enternity
Dear.Mhie
Alam mo ikaw ang napakagandang regalo sa akin ng Diyos at bukod dun agad tayong nabiyayaan ng anak na tatawagin kung baby ISRAEL(napakagandang pangalan noh mhie).Mhie,alam mo nung pumasyal ako sa inyo sa lugar ninyo mismo laking tuwa ko nung pinaki-lala mo ako sa mga mga magulang unkle mo pinsan hindi ka nahiyang ipakilala ako kahit di naman ako ka gwapuhan ..hehehe..,tandaan mo mahal na mhal kita ikaw lang ang mamahalin ko habang nabubuhay ako at walang nang mamahalin kundi ikaw.
Kahit na nung unang sinabi ko sayo na MAHAL KITA nagulat ka noon hindi ko akalain na tatakbuhan mo ako atleast tayo parin diba... sumunod na mga araw April 18 nakiusap ako sayo na isama mo ako sa lugar ninyo para naman lalo kung maiparating sayo na hindi ako katulad ng iba diyan.At upang malaman din ng mga parents mo na seryoso ako at ganun nga ang nangyari lumipas ang mga araw lalo natin napatunayan na talagang nagmamahalan tayo.Namanhikan at tuluyan na tayong nagsama ang sarap balikbalikan kung paano tayo nag umpisa sana mas lalo pa tayong tumibay ano mang pagsubok o suliranin ang dumating.
Kaya magpakatatag sana tayo mhie anuman ang mangyari at dumating na mga mabibigat na pagsubok sa ating buhay. Sa halip na panghinaan ng loob ay narito ang dapat nating gawin:
“Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; Sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala. Pangako n'yang binitiwa'y iingatan ko nang lubos, Lubos akong umaasa't may tiwala ako sa Diyos…” (Awit 56:3-4 MB)
Magtiwala tayo at lubos na umasa sa tulong at pangko ng Diyos, yamang nangako Siya na hindi Niya tayo pababayaan bilang Kaniyang mga hinirang lalong-lalo na sa panahon ng mabibigat na pagsubok. Lagi tayong manalangin at lumapit sa Diyos upang humingi sa Kaniya ng tulong at saklolo.
Dady jhun