Repleksyon: Sa Maagang Nabubuntis sa Murang Edad
Sa mundong ito ngayon napapansin nating marami nang maagang nabubuntis sa mura pang edad, sabihin natin sa edad na 14-18 na gulang ay may nabubuntis na at may asawa na sa ngayon. Alam ba nila kung anu ang ginawa nila sa kanilang kinabukasan, sa pagkaaga-aga ng pakikipag-asawa sa mura nilang edad pa lamang.
Hindi ba nila ito pinag-isipang mabuti kung anu ang hahantungan nila. Sa maagang pag-bubuntis ng isang babae ay hinid isang biro lamang ito'y napakabigat na tungkulin ng isang babae, lalo na't sa mura palamang edad.
Maraming taong may karelasyon , mag-nobyo, at mag-nobya, hindi naman maiiwasang makare;lasyon ng isang tao at magmahal sa iba, pero sa situasyong , tungkol sa maagang pagbubuntis ng isang babae at maagang pagiging ama ng isang lalaki , may sa edad na 14-18 na gulang ay mahirap kung sa sarili nilang mga paa ay mga magulang ang umaalalay sa kanila sa magiging anak nalang kaya paano na ?. Ang hirap sa ibang tao ay hindi nag-iisip, bago nila gawin ang mga bagay na posible na makakayanan nila.
Sa pag-kakaagang pagbubuntis sa murang edad ay hindi biro, sa mundong ito, saan ka kukuha ng pang-gagamot sa anak mo kapag , nagkasakit ito, lalo na kapag ang iyong pamumuhay ay isa ka lamang na hamak na mahirap paano na ang buhay ng anak mo paano na ang isang buhay na magiging tungkulin ng iyong anak kapag ika'y nabuntis na maaga. Dapat ang isipin ng mga tao ngayon ay paano ka mabubuhay, kapag ikaw na ang tatau sa iyong sariling mga paa, dapat nating isipin muna ang kapakanan natin bago ang iba, bago mag-disisyon at magkaroon ng asawa, at sa pagkakaroon ng anak.