Tuesday, May 21, 2013

Ang Likas na Kalagayan ni Cristo (Ikapitong Bahagi)

Ang Orihinal na Paniniwala ng mga Unang Cristiano

Pinatutunayan ng mga tagapangaral ng iba’t ibang relihiyon na ang paniniwalang si Cristo ay Diyos ay hindi paniniwala ng mga unang Cristiano.
NAUNAWAAN NATIN MULA sa mga manunulat ng Bagong Tipan na tinaglay ng mga unang Cristiano ang paniniwala na ang Ama ang kaisa-isang tunay na Diyos (Juan 17:3, Salita ng Buhay). Hindi nila tinaglay ang isipang pinalaganap ng iba na si Cristo raw ay eksistido o umiiral nab ago a Siya ipanganak ni Maria at Siya raw ay Diyos na nagkatawang-tao. Wala silang aral na si Cristo ay Diyos. Pinatutunayan ito maging ng ibang mga nagsaliksik tungkol sa buhay at mga aral ni Cristo. Ganito ang Patotoo ng isang iskolar na Protestante na si George E. Ladd:

“Binabasa natin ang mga Ebanghelyo at mga aklat ng mga Gawa sa liwanag n gating pagkaunawa sa pre-eksistensiya at sa pagkakatawang-tao ng Diyos Anak. Suabalit, ang mga unang Cristiano ay walang gayong konsepto sa kanilang mga isipan. Wala silang doktrina tungkol sa pagka-Diyos ni Cristo…” (The Young Church: Acts of the Apostles, p. 48)1

Ipinahayag din ng paring Katoliko na is Richard P. McBrien na hindi Diyos ang pagtuturing ng mga manunulat ng Bagong Tipan kay Cristo:

“Ni hindi man lamang karaniwang binabanggit ng mga manunulat ng Bagong Tipan ang tungkol kay Jesus bilang ‘Diyos’…” (Catholicism, p. 346)2

Maging ang paring Jesuita na is Pedro Sevilla ay nagpatotoo rin na is Cristo ay hindi tinawag na Diyos sa mga kauna-unahang araw ng Cristianismo:

“Kaya’t hindi maaaring sabihin na tinatawag nang Diyos si Jesus noong mga kaunaunahang araw ng kristiyanismo.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo: Ang Diyos ng mga Kristiyano, p. 32)3

Katugma ito ng pahayag ni Shirley C. Guthrie ng Presbyterian Church na sumulat ng aklat na pinamagatang Christian Doctrine: “Hindi tuwirang sinabi ng mga pankaunang Cristiano na is Jesus ay Diyos o na ang Diyos ay si Jesus” (p. 94).4

Sa kaniyang komentaryo ay sinabi naman ni George Lamsa na sa mga unang araw ng Iglesia ni Cristo ay hindi tinawag na Diyos si Jesus: “Si Jesus ay hindi tinawag na Diyos sa mga unang araw na yaon…” (New Testament Commentary, p. 149).5

Tinatanggap kapuwa ng mga teologong Katoliko at Protestante na hindi inisip ni Cristo na Siya ay Diyos:

“Ang krisis ay bumangon mula sa pangyayaring ngayon ay malayang tinatanggap kapuwa ng mga Protestante at Katolikong teologo at tagapagpaliwanag ng Biblia: na batay sa mauunawaan mula samga makukuhang datos na pangkasaysayan, hindi inisip ni Jesus na taga-Nazaret na siya ay Diyos ….” The First Coming: How the Kingdom of God Became Christianity, p. 5)6
Inaamin din ni John A. T. Robinson ng Anglican Church na hindi kailanman itinuro ni Cristo na Siya ay Diyos:

“Kailanman’y hindi personal na inangkin ni Jesus na siya ang Diyos: gayunman lagi niyang inaangkin na dinadala niya ang Diyos nang lubusan …” (Honest to God, p. 73)7

Maliwag, mula sa mga patotoo ng mga tagapangaral ng iba’t ibang relihiyon, na ang paniniwalang si Cristo ay Diyos ay hindi paniniwala ng mga unang Cristiano.

Ano, kung gayon, ang orihinal at wastong paniniwala tungkol sa likas na kalagayan ni Cristo? Ano ang paniniwala ng mga unang Cristiano at ng mga manunulat ng Bagong Tipan? Tunghayan natin ang patotoo ng Bibilia:

Tao si Cristo ayon kay Apostol Pablo. “Sapagka’t may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.” (I Tim. 2:5)

Tao si Cristo ayon kay Apostol Pedro. “Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula’t mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.” (Gawa 2:22-23, Magandang Balita Biblia)

Tao si Cristo ayon kay Apostol Mateo. “Ganito ang pagkapanganak kay Cristo. Si Maria ay nakatakdang pakasal kay Jose. Ngunit bago sila magsama, nagdalang-tao si Maria sa pamamagitan ng Espiritu Santo.” (Mat. 1:18, New Pilipino Version)

Tao si Cristo ayon sa anghel ng Panginoon. “Datapuwa’t samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka’t ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.” (Mat. 1:20)

Malinaw sa mga talatang ating sinipi na sa paniniwala ng mga unang Cristiano, si Cristo ay tao. Ito ang orihinal na paniniwalang Cristiano. Ang katotohanang ito ay pinatutunayan din ng ibang mga nagsaliksik sa buhay, mga aral, at likas na kalagayan ni Cristo.

Si George Eldon Ladd ay nagsabing:

“Mula sa gayong mga talata, maaari nating ikonklusyon na ang unang kaisipang Cristiano tungkol kay Jesus ay Siya’y isang tao na pinagkalooban ng kadakilaan ng Espiritu ng Diyos. Sa katunayan, sa mga unang kabanata ng [Akalat ng] mga Gawa, si Jesus ay dalawang ulit na tinawag na isang propetang tulad ni Moises na ibabangon ng Diyos upang ipahayag sa mga tao ang lahat ng katotohanan ng Diyos (Gawa 3:22; 7:37).” (The Young Church: Acts of the Apostles, p. 48)8

Isa naming paring Katoliko, si Ronald J. Wilkins, ang nagpapatotoo rin na ang paniniwala ng mga unang Cristiano kay Cristo ay Siya’y tao:

“Ang katangian ng paninindigang ito ay, hindi naranasan ng mga apostol at mga unang Cristiano si Jesus bilang isang Diyos na nagbalatkayong tao o bilang Diyos na nagkukunwang tao (Ito ang dahilan kaya itinakuwil ng unang Iglesia ang mga salaysay tungkol sa buhay ni Jesus na batay sa mga pala-palagay at kathang-isip). Naranasan nila siya bilang isang tao. Siya’y totoong-totoo sa kaniyang buhay, tunay na tunay na tao sa kaniyang espiritu, at lubhang kapani-paniwala sa kaniyang mga pananalita na anupa’t sila ay sumampalataya sa kaniya. Ang pakiramdam nila’y anuman ang tunay na buhay ng tao, inihayag ni Jesus bilang isang tao ang buhay na iyon.” (The Emerging Church, pp. 27-29)9

Isa pang paring Jesuita, si Charles Herzog, ay nagpahayag nang gayunding diwa:

“Kung mayroong anumang bagay na malinaw sa mga Ebanghelyo, ito ay yaong si Cristo ay tao. Siya ay mayroong tunay na katawan ng tao at tunay na kaluluwa ng tao, na pinagkalooban ng pag-iisip at kalooban ng tao.” (God the Redeemer: The Redemption From Sin As Wrought By Jesus Christ the Son of God, p. 5)10

Sinip naman ni Johannes Lehman, isang iskolar ng Biblia, ang sinabi ng istoriyador na is Bernhard Lohse:

“Gaya ng isinulat ng isang mananalaysay ng Iglesia, si Bernhard Lohse, saMotive im Glauben (Motivation for Belief): ‘Ipinaaalala sa atin ni Ario na si Jesus, gaya ng paglalarawan niya sa mga Ebanghelyo, ay hindi isang Diyos na lumakad sa lupang ito, kundi tunay na tao. Mangyari pa, sa pamamagitan mismo ng kaniyang pagiging tao ay pinatunayan ni Jesus ang kaniyang ganap na pakikiisa sa Diyos’.” (The Jesus Establishment, p. 175)11

Isang katotohanang hindi mapasusubalian na ang paniniwala ng mga unang Cristiano ay tunay na tao ang ating Panginoong Jesuscristo – hindi Siya ang Diyos. Ito ang orihinal at tunay na paniniwalang Cristiano tungkol sa likas na kalagayan ni Cristo. (May Karugtong)

Sanggunian:
1 “We read the Gospels and the book of Acts in the light of our understanding of the pre-existence and the incarnation of God the Son. However, the early Christians had no such concepts in their minds. They had no doctrine of the deity of Christ …” (Ladd, George E. The Young Church: Acts of the Apostles. London: Lutterworth Press; New York and Nashville: Abingdon Press, 1964.)

2 “The New Testament writers do not even ordinarily speak of Jesus as ‘God’ …” (McBrien, Richard P. Catholicism. Third Edition. Great Britain: Geoffrey Chapman, 1994.)

3 (Sevilla, Pedro S.J. Ang Kabanalbanalang Isangtatlo: Ang Diyos ng mga Kristiyano. Quezon City: Loyola School of Theology – Ateneo de Manila University, 1988.)

4 “The very earliest Christians did not say directly that Jesus is God or the God is Jesus.” (Guthrie, Shirley C., Jr. Christian Doctrine. Virginia, USA: CLC Press, 1968.)

5 “Jesus was not called God in those early days …” (Lamsa, George. New Testament Commentary.)

6 “The crisis grows out of a fact now freely admitted by both Protestant and Catholic theologians and exegetes: that as far as can be considered from the available historical data, Jesus of Nazareth did not think he was divine …” (Sheehan, Thomas. The First Coming: How the Kingdom of God Became Christianity. New York: Random House, 1986.)

7 “Jesus never claims to be God, personally: yet he always claims to bring God, completely …” (Robinson, John A. T. Honest to God. London: SCM Press Ltd., 1963.)

8 “From such passages, we might conclude that the early Christian concept of Jesus was that of a man who was mightily endowed by the Spirit of God. In fact, twice in the early chapters of Acts Jesus is designated a prophet like Moses whom God would raise up to declare to the people all the will of God (Acts 3:22; 7:37).” (The Young Church: Acts of the Apostles.)

9 “The unique feature of this conviction is that the apostles and early Christians did not experience Jesus as a God in human disguise or as God pretending to be human (this is the reason that the early Church rejected fanciful and wildly imaginative accounts of Jesus’ life). They experienced him as a human. He was so real in his life, so genuinely human in his spirit, and so convincing in his words that they believed in him. They felt that whatever human life really was, Jesus as a person expressed that life.” (Wilkins, Ronald J. The Emerging Church. Part One. Iowa: WM. C. Brown Company Publishers, 1968.)

10 “If anything is evident in the Gospels, it is that Chirst was man. He had a real, human body and a real, human soul, endowed with a human mind and will.” (Herzog, Charles G., S.J. God the Redeemer: The Redemption From Sin As Wrought By Jesus Christ the Son of God. New York: Benziger Brothers, Inc., 1929.)

11 “As one Church historian, Bernhard Lohse, writes in Motive im Glauben (Motivation for Belief): ‘Arius reminds us that Jesus, as he described in the Gospels, was not a God who walked this earth, but truly human being. Of course, by his very humanity Jesus proved his full community with God’.” (Lehman, Johannes. The Jesus Establishment. New York: Doubleday & Company, Inc. 1974.)

Tuesday, May 14, 2013

Ang Likas na Kalagayan ni Cristo (Ikaanim na Bahagi)

Totoo kayang tinanggap na ng mga unang Cristiano na si Cristo ay Diyos noong Siya ay mabuhay na mag-uli?
AYON SA PARING Jesuita na si Pedro Sevilla tinanggap daw ng mga unang Cristiano na si Cristo ay Diyos nang Siya ay mabuhay na mag-uli. Ganito ang mababasa natin sa sinulat niyang aklat:

“Batay na rin sa kanilang karanasan ng muling nabuhay na si Jesus, tinanggap na ng mga unang Cristiano ang pagiging Diyos ni Cristo kahit wala pang mga tiyak na konsepto sa Bagong Tipan gaya halimbawa, ng substansiya (substance), kalikasan o natura (nature), at iba pa.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, p. 29)

Nabuhay na mag-uli ngunit hindi Diyos
Totoo kayang tinaggap na ng mga unang Cristiano na si Cristo ay Diyos noong Siya ay mabuhay na mag-uli? Ano ang karanasan ng mga unang Cristiano nang si Cristo ay mabuhay na mag-uli? Sipiin natin ang pahayag ni Apostol Juan sa sinulat niyang Ebanghelyo:

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao’y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin, Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria, Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, ngunit pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.” (Juan 20:15-17)

Doon pa lamang sa libingan, nang pumaroon si Maria Magdalena, ay natiyak na niyang si Jesus, nang mabuhay na maguli, ay hindi Diyos. Maliwanag ang sinabi sa kaniya ni Jesus, “Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, aking Dios at inyong Dios.” Hindi sinabi ni Cristo na Siya ang Diyos.

Si Lucas ay nagbigay rin ng salaysay tungkol sa karanasan ng mga alagad ni Cristo noong Siya ay mabuhay na mag-uli:

“At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? At bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” (Lucas 24:36-39)

Mababakas din natin sa ebanghelyo ayon kay Lucas na si Cristo ay hindi Diyos noong mabuhay na mag-uli. Itinala ni Lucas ang pagtutuwid na ginawa ni Cristo sa mga alagad nang akalain nilang Siya ay isang espiritu nang mabuhay na mag-uli. Sa kalagayan pa lamang ay magkaiba na si Cristo at ang Diyos. Si Cristo ay may laman at buto, samantalang ang Diyos ay espiritu (Juan 4:24). Hindi pinayagan ni Cristo na ang mga alagad ay manatili sa kanilang maling akala, bagkus sila ay Kaniyang itinuwid. Sinabi sa kanila ni Cristo, “Ang isang espiritu ay walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” Maliwanag, kung gayon, na kahit na noong mabuhay na mag-uli si Cristo ay namalaging Siya’y tao at hindi Diyos. Pinatutunayan ito maging ng pahayag ni Apostol Pedro:

“Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Gayunman, siya’y ipinako nila sa krus. Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw. Napakita siya, hindi sa lahat ng tao kundi sa amin lamang na noon pang una’y pinili na ng Diyos bilang mga saksi. Kami ang nakasama niyang kumain at uminom pagkatapos na siya’y muling mabuhay.” (Gawa 10:39-41, Magandang Balita Biblia)

Malinaw sa pahayag ni Apostol Pedro na si Cristo na nabuhay na mag-uli ay hindi Diyos. Ang bumuhay kay Cristo ay ang Diyos. Mapapansin din na nang mabuhay na mag-uli, si Cristo ay nakasalo ng mga apostol sa pagkain at pag-inom, na normal na ginagawa ng isang tao. Pinatunayan ni Apostol Pedro na tao ang likas na kalagayan ni Cristo na binuhay ng Diyos na mag-uli sa mga patay:

“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula’t mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.” (Gawa 2:22-23, Ibid.)

Maliwanag ang pahayag ni Apostol Pedro na si Cristo ay taong sinugo ng Diyos. Pinatunayan ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga himala at kababalaghan at mga tanda na Kaniyang ginawa sa pamamagitan ni Cristo. Bakas na bakas natin sa pahayag ni Apostol Pedro na si Cristo ay tao at ang kinikilala niyang Diyos ay ang nagsugo at bumuhay na mag-uli kay Cristo.

Umakyat sa langit ngunit hindi Diyos
Makaraan ang 40 araw mula nang Siya’y mabuhay na maguli, si Cristo ay umakyat sa langit. Ngunit sa mga nasulat na pahayag sa Bagong Tipan ay walang mababasang patotoo na ang Cristo ay naging Diyos nang umakyat na Siya sa langit. Nang ipahayag ni Cristo kay Maria Magdalena na Siya ay aakyat sa langit, hindi Niya sinabi na Siya ay Diyos. Sa halip, ang terminong “Diyos” ay inilaan ni Cristo para sa Ama:

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao’y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni’t pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.” (Juan 20:15-17)

Sa panahon pa ng Matandang Tipan ay hinulaan na ang pag-akyat ni Cristo sa langit. Ngunit kahit sa mga hulang iyon ay malinaw na iba si Cristo sa Diyos:

“THE LORD (God) says to my Lord (the Messiah), Sit at My right hand, until I make Your adversaries Your footstool.” [ANG PANGINOON (Diyos) ay nagsabi sa aking Panginoon (ang Mesias), Umupo Ka sa Aking kanang kamay hanggang ang Iyong mga kaaway ay gawin Kong tuntungan ng Iyong mga paa.] (Ps. 110:1, Amplified Bible)

Makikita sa hulang ito ang pagkakaiba ng tinatawag na Diyos at ng tinatawag na Cristo. Ang Panginoon na tinatawag na Diyos ang nagsabi sa Panginoon na tinatawag na Mesias, “Umupo ka sa aking kanan.” Hindi si Cristo ang Diyos, kundi Siya ang Mesias.

Pinatutunayan ito sa Bagong Tipan ng maraming ulit.

“Kung kayo nga’y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.” (Col. 3:1)

“Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.” (I Ped. 3:22)

“Ang muling bumuhay kay Cristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos.” (Efe. 1:20, MB)

Mapapansin sa mga talatang ito na walang sinasabi na sa langit ay naging Diyos si Cristo. Malinaw na ipinakikita sa mga talatang sinipi ang pagkakaiba ng Diyos at ni Cristo. Hindi si Cristo ang Diyos, kundi Siya ang nakaupo sa kanan ng Diyos. Maging si Esteban na diakono ay nagpatotoo na si Cristo ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Diyos:

“Datapuwa’t siya, palibhasa’y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios, At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao ay nakatindig sa kanan ng Dios.” (Gawa 7:55-56)

Una pa rito, ipinahayag na sa Matandang Tipan na tao ang nasa kanan ng Panginoong Diyos:

“Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.” (Awit 80:17)

Walang pag-aalinlangan na ang tinutukoy na tao na nasa kanan ng Diyos ay walang iba kundi ang Panginoong Jesucristo, gaya ng sinasabi sa mga talatang ating sinipi. Kaya’t kahit noong si Cristo ay nasa langit na, Siya’y malimit na tinawag na tao ng mga manunulat ng Bagong Tipan.

Tinawag ni Pablo na tao si Cristo“Sapagka’t may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.” (I Tim. 2:5)

Tinawag ni Pedro na tao si Cristo
“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula’t mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.” (Gawa 2:22-23, MB)

Tinawag ni Santiago na tao si Cristo“Hinatulan ninyo at pinatay ang Taong Banal, at hindi Siya lumaban sa inyo.” (Sant. 5:6, Salin ni Trinidad)

Muling paririto ngunit hindi DiyosNang si Jesus ay umakyat sa langit, ipinangako Niya sa Kaniyang mga alagad na Siya ay muling paririto. Ano ang Kaniyang likas na kalagayan sa Kaniyang pagbabalik? Siya ba ay babalik bilang isang Diyos?

“At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya’y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya’y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin. At samantalang tintititigan nila ang langit habang siya’y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit; Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.” (Gawa 1:9-11)

Isinalaysay ni Lucas na samantalang tinititigan ng mga alagad ang pagdadala kay Cristo sa langit, dalawang lalaki ang nagsabi na, “Itong si Jesus … ay pariritong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon sa langit.” Samakatuwid ay walang pagbabago sa kalikasan ni Cristo – tao Siyang umakyat sa langit, tao rin Siyang magbabalik.

Maging si Apostol Pablo ay naturo na si Cristo ay muling paririto. Mababakas sa kaniyang sulat na paririto si Cristo hindi bilang isang Diyos, sapagkat ang Ama ang tinatawag Niyang Diyos:

Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal.” (I Tes. 3:13)

Maliwanag na ang terminong “Diyos” ay ikinapit ni Apostol Pedro sa Ama. Hindi kailanman ginamit ni Apostol Pablo ang terminong ito kay Cristo. (May Karugtong)

Wednesday, May 8, 2013

Is there such a thing as God’s chosen people?

THE TEACHING THAT there is a select group given the right to worship God is so unpopular in today’s society in which all beliefs are accepted as being equal. In fact, any group claiming that they are the only true Church is automatically looked upon with disdain. But is this teaching of an elect group chosen by God against the Bible? Is it true, as many suppose, that everyone has the right to worship God?

Prophet Isaiah long ago declared the consequence of mankind’s sins:

“But your iniquities have separated you from your God; and your sins have hidden His face from you, so that He will not hear.” (Is. 59:2, New King James Version)
As a result of sin, mankind’s inherent right to serve God was lost. No matter how much they called upon God, He will no longer accept their services. This became everyone’s dire situation because all people, with the exception of Jesus Christ, sinned (Rom. 5:12; I Pt. 2:21-22).
Who then can call upon God and be heard? King David stated in his psalms the following:
“Remember that the LORD has chosen the righteous for his own, and he hears me when I call to him.” (Ps. 4:3, Today’s English Version)
This is the importance of the election from God. Only those chosen will be heard by Him. That is why for any organization or church to have the right to serve God, it must be chosen by Him. What people don’t realize is that this has been God’s policy ever since ancient times.

God’s first nation
Those who truly believe that the Bible is God’s word will never deny that Israel was His first nation. Even though there were other nations and other religions during the time of Israel, only Israel was given the right to serve God – “Who are Israelites, to whom pertain the adoption, the glory, the covenants, the giving of the law, the service of God, and the promises” (Rom. 9:4, NKJV).
In fact, Israel alone had God:
“And he returned to the man of God, he and all his aides, and came and stood before him; and he said, ‘Indeed, now I know that there is no God in all the earth, except in Israel’.” (II Kings 5:15, Ibid.)
Israel was given this right to serve God because of the covenant that God made with their ancestors:
“For you are a holy people to the LORD your God; the LORD your God has chosen you to be a people for Himself, a special treasure above all other peoples on the face of the earth. The LORD did not sent His love on you nor choose you because you were more in number than any other people, for you were the least of all peoples; But because the LORD loves you, and because He would keep the oath which He swore to your fathers, the LORD has brought you out with a mighty hand, and redeemed you from the house of bondage, from the land of Pharaoh king of Egypt.” (Dt. 7:6-8,Ibid.)
We should notice that the basis of God in choosing Israel was not their population, but their covenant or oath with God which He made with the fathers or ancestors of Israel. This oath was sworn to the patriarch Abraham:
“When Abram was ninety-nine years old, the LORD appeared to Abram and said to him, ‘I am Almighty God; walk before Me and be blameless.
“No longer shall your name be called Abram, but your name shall be Abraham; for I have made you a father of many nations.
“And I will establish My covenant between Me and you and your descendants after you in their generations, for an everlasting covenant, to be God to you and your descendants after you’.” (Gen. 17:1, 5, 7, Ibid.)
God established a covenant or sacred agreement with Abraham and his descendants, a covenant that both sides had to fulfill. But, did Israel fulfill their end of the covenant?
“…All Israel has transgressed Your law, and has departed so as not to obey Your voice; therefore the curse and the oath written in the Law of Moses the servant of God have been poured out on us, because we have sinned against Him.” (Dan. 9:11, Ibid.)
Israel broke the covenant, which was why there was a need for a new covenant or New Testament. This was why Christ established His Church in the first century.



The prophecy concerning the first-century Church of Christ

When Apostle Peter was addressing the members of the Church of Christ in the first century, he told them the basis of their right to serve God:
“And so we have the prophetic word confirmed, which you do well to heed as a light that shines in a dark place, until the day dawns and the morning star rises in your hearts.” (II Pt. 1:19, Ibid.)
The members of the Church of Christ in the first century knew that they had the right to serve God because it was prophesied or written long ago that they would be given that right. This was the prophecy that God Himself proclaimed through the prophets:
“Also your people shall all be righteous; they shall inherit the land forever, the branch of My planting, the work of My hands that I may be glorified.” (Is. 60:21, Ibid.)
In this prophecy, God said, “the branch of My planting, the work of My hands that I may be glorified.” When our Lord Jesus Christ was fulfilling His mission of salvation, He proved that He and His disciples were the fulfillment of this prophecy:
“I am the true vine, and My Father is the vinedresser.
“I am the vine, you are the branches. He who abides in Me, and I in him, bears much fruit; for without Me you can do nothing.” (Jn. 15:1, 5, Ibid.)
The equivalent of Christ as the vine and His disciples as the branches was given as a comparison by Apostle Paul:
“And He is the head of the body, the church.” (Col. 1:18, Ibid.)
The name of the Church built by Christ is the Church of Christ:
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood.” (Acts 20:28, Lamsa Translation)
Therefore, the Church of Christ in the first century had the right to serve God because it was planted or chosen by Him. It had the prophetic word made sure. In other words, it was the fulfillment of biblical prophecy.
However, our Lord Jesus Christ pronounced through prophecy what would happen to the first-century Church:
“Then many false prophets will rise up and deceive many.
“Then they will deliver you up to tribulation and kill you.” (Mt. 24:11, 9,NKJV)
An apostasy led by the false prophets overtook the Church in the first century. Many of its members were turned away from the true faith, and they followed doctrines of the devil (I Tim. 4:1,3). On the other hand, those who were not deceived were killed.


The true Church that emerged in the Far East
For a church to be true, it must also have a prophecy proving its truthfulness. It must have biblical proof that it is biblically and prophetically linked to the Church that Christ built. The Iglesia ni Cristo or Church of Christ that emerged in the Philippines in 1914 has such prophecies. Please take note of the following prophecies:
“Therefore in the east give glory to the LORD; exalt the name of the LORD, the God of Israel, in the islands of the sea. From the ends of the earth we hear singing: ‘Glory to the Righteous One.’” (Is. 24:15-16, New International Version)
In this prophecy, God would once again be glorified, but it is not by those from the east known as the Middle or Near East. God Himself foretold from where in the east those He has chosen to serve Him would come:
“From the far east will I bring your offspring.” (Is. 43:5, Moffatt Traslation)
The Church of Christ in these last days emerged in the Philippines, a country in the Far East:
“The Philippines were Spain’s share of the first colonizing movements in the Far East.” (World History, p. 445)
According to the Encyclopedia Britannica, the Philippines has over 7, 100 islands. We now know the name of the true Church, the Church of Christ; we also know the place it would reemerge, the Far East, islands of the sea or the Philippines. But do we know the biblical date? In the verse we quoted earlier, Isaiah 24:15-16, it says, “From the ends of the earth.” The period “ends of the earth,” otherwise known as the end of times or last days, is different from the end of the world. The end of the world is the second advent of our Lord Jesus Christ on the day of Judgment. The Scriptures states:
“And as he sat upon the mount of Olives, the disciples came unto him privately, saying, Tell us, when shall these things be? And what shall bethe sign of thee coming, and of the end of the world?” (Mt. 24:3, King James Version)
What was our Lord Jesus Christ’s answer to the question of the disciples?
“So you also, when you see all these things, know that it is near – at the doors!” (Mt. 24:33, NKJV)
The ends of the earth is the period of time when the end of the world is near, at the very doors. What are the visible signs that the day of Judgment is approaching? Our Lord Jesus Christ gave the sign of a major war, which was unlike any war in the past:
“And you will hear of wars and rumors of wars. See that you are not troubled; for all these things must come to pass, but the end is not yet.” (Mt. 24:6, Ibid.)
What our Lord Jesus Christ gave was not an ordinary sign, but the sign that the end of the world is near. That is why this is a war that would be heard. Who would hear about this war? What makes this war different from any other in the past? In a related prophecy, Prophet Isaiah spoke of a war that would be heard all over the earth involving all armies of the world:
“Come near, you nations, to hear; and heed, you people! Let the earth hear, and all that is in it, the world and all things that come forth from it. For the indignation of the LORD is against all nations, and His fury against all their armies; He has utterly destroyed them, He has given them over to the slaughter.” (IS. 34:1-2, Ibid.)
A war of this scale never occurred in the history of mankind until the First World War:
“The first terrible war, which involved the whole world and caused so much death and destruction, was World War I.” (World History in an Oriental Setting, p. 850)
The news about this war could not have spread all over the world until the fulfillment of another prophecy which would occur at a time when the world’s end is near:
“But you, Daniel, shut up the words, and seal the book until the time of the end; many shall run to and fro, and knowledge shall increase.” (Dan. 12:4, NKJV)
Before the end of the world, knowledge shall increase, enabling the news of this war to travel fast so that the whole world could hear about this war. This increase of knowledge was manifested in technology:
“The electric telegraph was the product of many minds in many lands, but it became a practical success in the hands of the American, Morse, in 1844. A submarine cable was laid between England and France in 1851… telephone entered commerce with the American inventor, Bell, in 1876. The Italian, Marconi, succeeded with wireless telegraphy around 1896. Radio was invented shortly before the First World War.” (World History, vol. 2, pp. 543)
The First World War was unique in many ways. It was the first war global in scope, and the news of this war was heard all over the world. When did the First World War begin?
“The first great campaign on the southeastern battle grounds of the Great War began on July 27, 1914, when the Austrian troops undertook their first invasion of Serbia.” (The Story of the Great War from Official Sources, p. 291)
When on the other hand, was the Church of Christ officially registered with the Philippine government? On July 27, 1914 – concurrent with the outbreak of the First World War.
The reemergence of the Church of Christ in the Philippines in 1914 is the fulfillment of biblical prophecies attesting to its election by God. The period of time, the place, and the name had been prophesied long ago and were fulfilled in this Church. This is the Church that has been chosen to serve God and receive His promise in these last days.
Although many people may criticize the doctrine that only a chosen group or church will be saved on the day of Judgment, this remains God’s standing policy in determining whose worship would be accepted by Him. The many biblical prophecies concerning the reemergence of the Church of Christ in these last days give the Church its basis in preaching the right to salvation.