Tuesday, September 12, 2006

Tuesday, September 12, 2006 Si Cristo ba’y Diyos na Manlalalang?


“Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang.” (Colosas 1:15)


MALINAW NA ITINUTURO ng Biblia na ang tunay na Diyos na lumikha ng lahat ng bagay ay ang Ama na nasa langit. Gayunpaman ay may mga naniniwala na si Cristo raw ang tunay na Diyos at Siya ring Manlalalang. Sinisikap nilang patunayan ito sa pamamagitan ng paggamit din ng mga talata sa Biblia. Dahil dito, mahalagang suriin natin ang ilan sa mga talatang ito at alamin kung tama ang pagkaunawa nila sa mga ito.

1. Juan 1:3: “Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.”

Si Cristo raw ang Diyos na Lumalang ng lahat ng bagay dahil sinasabi sa talata na ang lahat ay ginawa sa pamamagitan Niya.

2. Genesis 1:26: “At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa’t umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.”

Ang talatang ito ay isa pa raw sa mga katibayan na si Cristo ay Siya ring Diyos na Lumalang sapagkat dito raw ay kausap ng Diyos ang dalawa pang persona ng tinatawag nilang Trinidad. Kaya ang ka-“natin” daw dito ng Diyos ay si Cristo at ang Espiritu Santo.

3. Kawikaan 8:22-30: “Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako’y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, Bago nalikha ang lupa. Ako’y nailabas ng wala pang mga kalaliman; Nang wala pang mga bukal na sagan ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, Bago ang mga burol ay ako’y nailabas: Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, Ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: Nang siya’y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: Nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, Upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: Nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: At ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, Na nagagalak na lagi sa harap niya.”

Ito ay iniuugnay nila sa mga talatang nasa unahan upang patunayan na si
Cristo ay eksistido na raw bago pa lalangin ang lahat ng bagay. Ang binabanggit daw dito ay si Cristo. Malinaw raw na sinasabi rito na nasa siping na Siya ng Diyos bago pa pinasimulan ang Kaniyang mga gawa at bago nilikha ang lupa. Mula sa mga talatang nabanggit ay nagkonklusyon sila na si Cristo ay Diyos na Manlalalang.

Ang tinutukoy sa Kawikaan 8:22-30
Hindi ang Panginoong Jesucristo ang tinutukoy na naroon na sa pasimula ng paglalang ng Diyos kundi ang karunungan:
“Hindi ba umiiyak ang karunungan, At inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig? … Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, At aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita.” (Kaw. 8:1, 12)
Ang karunungang naroon na nang wala pa ang lahat ay ang karunungan o kaunawaan ng Diyos na Kaniyang ginamit sa paglikha sa langit at lupa:
“Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan.” (Kaw. 3:19)
Natitiyak natin na ang karunungang ginamit ng Diyos sa paglikha ng langit at lupa ay hindi isa pang Diyos sapagkat kung magkagayon ay darami ang Diyos. Lalabag ito sa doktrina ng Biblia na iisa lamang ang Diyos (Mal. 2:10). Siya ang may-ari ng karunungang ginamit sa paglalang.

Ang ka-“natin” sa Genesis 1:26
Ang ka-“natin” at mga kausap ng Diyos nang sabihin Niyang “lalangin natin ang tao” ay hindi ang inaakala ng iba na dalawa pang persona ng Trinidad, kundi ang mga kerubin at mga serapin na naroon na bago pa nilalang ang tao:
“Ano pa’t itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halaman ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.” (Gen. 3:24)
“Sa itaas niya ay nangatayo ang mga serapin: bawa’t isa’y may anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya.” (Isa. 6:2)
Subalit nang isagawa na ng Diyos ang aktuwal na paglalang ay Siya lamang mag-isa ang gumawa nito:
“At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.” (Gen. 1:27)
Walang “ka-manlalalang” o kinatulong ang Diyos nang lalangin Niya ang lahat ng bagay:
“Ganito ang sabi ng Panginoon, ng iyong Manunubos, at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa.” (Isa. 44:24_
“Ikaw ang Panginoon, ikaw lamang; ikaw ang lumikha ng langit, ng langit ng mga langit, pati ng lahat na natatanaw roon, ng lupa at ng lahat na bagay na nangaroon, ng mga dagat at ng lahat na nangaroon, at iyong pinamalaging lahat; at ang hukbo ng langit ay sumasamba sa iyo.” (Neh. 9:6)
Samakatuwid, maling ipakahulugan na sa Genesis 1:26 ay nag-uusap ang mga diumano’y persona ng Trinidad. Ang pinatutunayan ng Biblia na kausap dito ng Diyos ay ang mga kerubin at mga serapin. Ang tunay na Diyos ay hindi Trinidad at hindi rin maaari na si Cristo ay maging Diyos na Manlalalang.

Ang kahulugan ng nasa Juan 1:3Ang sinasabing “ang lahat ay ginawa sa pamamagitan Niya” ay hindi nangangahulugang si Cristo ay ang lumalang, kundi, ang kahulugan nito ay ipamamagitan ni Cristo ang lahat ng bagay:
“Sapagka’t marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, …” (Heb. 2:10)
Pinatunayan pa ni Apostol Pablo sa ibang pagkakataon na talagang ang lahat ng bagay na nilalang ay iniukol kay Cristo at sa pamamagitan Niya:
“Sapagka’t sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya.” (Col. 1:16)
Kailangan ng lahat ng taong nilalang ng Diyos na sila’y ipamagitan ni Cristo sapagkat sa pamamagitan Niya ay papagkakasunduin ang tao sa Diyos:
“At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan. At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama. Gayon ma’y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo’y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya.” (Col. 1:20-22)
Kaya, kung sinabi man sa Juan 1:3 na “ang lahat ng bagay ay ginawa (o nilalang) sa pamamagitan Niya” (o ni Cristo), hindi ito nangangahulugang si Cristo ay Diyos na Manlalalang. Ipinakikilala lamang nito na si Jesus ay Tagapamagitan ng tao sa Diyos (I Tim. 2:5).

Si Cristo’y hindi Diyos na ManlalalangAng isa pang katibayan na si Cristo’y hindi Diyos na Manlalalang ay ang katotohanang Siya man ay nilalang din ng Diyos:
“Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang.” (Col. 1:15)
Isa pa ito sa lalong nagpapatunay na mali ang pagkaunawa ng mga naniniwalang si Cristo’y Diyos sa mga talatang ginamit sa Juan 1:3; Genesis 1:26, at Kawikaan 8:22-30. Si Cristo ay hindi manlalalang, kundi isa Siyang nilalang. Siya ang panganay sa lahat ng nilalang.
Bakit sinabing si Cristo ang panganay sa lahat ng nilalang gayong hindi naman Siya ang unang taong nilalang? Sapagkat nakilala na Siya nang una bago pa itinatag ang sanlibutan. Siya ang una sa pagkapanukala. Nasa isip na Siya ng Diyos bago pa lalangin ang sanlibutan. Ngunit wala pang Cristo sa kalagayan noong pasimula ng paglalang. Inihayag lamang Siya nitong mga huling panahon:
“Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni’t inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo.” (I Ped. 1:20)
Nahayag o nagkaroon ng katuparan ang nasa isip ng Diyos noong una ukol sa pagkakaroon ng Cristo nang Siya ay ipanganak ng isang babae, si Maria na Kaniyang ina:
“Datapuwa’t nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan.” (Gal. 4:4)
Paano ngayon sasabihing si Cristo ang Siyang Diyos na Manlalalang? Si Cristo mismo ay hindi papayag sa gayong aral. Manapa, ipinakilala ni Cristo kung sino lamang ang Diyos na dapat sampalatayanan upang makamit ng tao ang buhay na walang hanggan – ang Ama at hindi ang Anak ang iisang tunay na Diyos:
“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: … At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga’y si Jesucristo.” (Juan 17:1, 3)
Hindi ipinakilala ni Cristo ang Kaniyang sarili na Diyos, kundi “Anak” at “sinugo” ng Ama na Siyang iisang Diyos na tunay.
Samakatuwid, nagkakamali sa pagkaunawa at paggamit ng mga talata ng Banal na Kasulatan ang mga nagtuturo at naniniwalang si Cristo ay Diyos. Ang iisang tunay na Diyos ay ang Ama na lumalang ng lahat ng bagay. Hindi si Cristo ang Diyos na lumalang. Si Cristo ay nilalang. At bagama’t Siya ay pinagkalooban ng Ama ng maraming katangian at karangalang wala sa ibang tao, Siya ay tao sa likas na kalagayan. Ito ay isa sa mga aral na dapat panindiganan at sampalatayanan sapagkat ito ay ikapagkakaroon ng buhay na walang haggan.

Monday, March 27, 2006

Church dedicates 69 new houses of worship

in a year only 52 weeks, 69 - mahigit pa per week, it only shows
ang gawain ng iglesia sa tulong ng Diyos


 


  




THERE’S NO STOPPING the Lord’s work.
Despite the country’s reeling economy and tougher times lurking ahead for most of the world, the Iglesia ni Cristo presses on with its multifaceted endeavors with even more fervor and blessings of success in the year that was.


The year 2005 saw the birth of 16 new local congregations (roughly equivalent to Catholic parishes) and 24 extensions and group worship services with the baptism of several thousands of people of different races and cultures in the various ecclesiastical districts all over the world. Alongside this steady growth of membership is the rise of new ministers who would help the Church Administration in carrying on with the Lord’s work of propagation – 70 new ministers were ordained on May 5 this year, anteceded by the graduation of 331 ministerial students from the College of Evangelical Ministry on April 8.
The triumphs of the Church in these fields are even more indubitably expressed by the rise of resplendent houses of worship that serve as veritable landmarks in practically all places where the Church has set foot and established a local congregation.
Last year, the Church constructed and dedicated to God a total of 69 new houses of worship, of which one of the biggest is that of the local congregation of Syquia in Metro Manila South. It was dedicated to God in a special worship service at which the Deputy Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo, officiated on December 2. One of the oldest local congregations of the Chuch, Syquia is happy to have its new house of prayer, which can seat 800 worshipers.
The following ecclesiastical districts also dedicated new houses of worship: Abra (Lagangilang, July 27); Albay (Bacacay, October 15); Aurora (Maria Aurora, May 27);
Bataan (Camacho, March 26; Sabang, June 24); Batangas (Puting Bato,September 24; Nasugbu, October 8); Bukidnon (Lantapan, March 22); Bulacan (Libtong, November 25);
Cagayan West (Namuac, July 9); Camarines Souteast (Nabua, March 26); Camarines Soutwest (Upper Sta. Cruz, April 9); Capiz(Dulangan, October 14); Cavite (Binakayan, May 14); Cebu North (Tuburan, May 27); Cotabato South (Malapatan, April 15).
Davao del Norte (Pantukan, April 8); Davao del Sur (New Argao, September 9); Davao West (Ecoland, May 15).
Ilocos Norte (Bulangon, February 26); Ilocos Sur (Ambucao, September 24); Iloilo North (San Rafael, February 8); Iloilo South (Mansaya, July 22); Isabela South (Salinungan East, October 15; Laoag, December 23); Isabela West (Lanting, August 6);
Laguna(Sto. Tomas, June 17); Leyte East (Alang Alang, October 14); La Union (Inabaan, November 26).
Maguindanao (Parang, August 20); Marinduque (Caganhao, March 26); Metro Manila North (Tangos, June 25); Mindoro Occidental (Toong, July 9); Mindoro Oriental (Roxas, May 27); Misamis Occidental (Maular, May 31); Misamis Oriental (Tagoloan, May 27);
Negros del Norte (Old Escalante, September 17); Negros Occidental (Valladolid, March 26); Negros Oriental (Valencia, September 30); Nueva Ecija East (Macapsing, October 29); Nueva Ecija North (Talugtog, February 5; Ilog Baliwag, November 26); Nueva Ecija South (Isla, February 12; Aduas, June 25).
Pampanga (Sta. Barbara, Lubao, Novemer 5; Cutud, November 12); Pangasinan East (Sison, June 24); Pangasinan West (Agno, October 29).
Quezon East (Tagkawayan, September 10; Camohaguin, December 16); Quezon North (Tignoan, December 9); Quezon South (Tinuk-an, August 26); Quezon West (Dolores, November 19); Quirino (Gabriela, May 28).
Sorsogon (Juban, March 19); Surigao Central (Aras-asan, December 6); Surigao del Norte (Del Rosario, July 15); Surigao del Sur (Barobo, April 8);
Tarlac (Mapaco, July 20; Dapdap Bamban, December 16); Zambales North (Pagatpat, July 9); Zambales South (Panan, June 18); and Zamboanga Central (Siay, March 18).
The local congregation of South San Diego in the ecclesiastical district of Southern California likewise dedicated to God its new house of worship on November 19, 2005. The local congregations of Phoenix in Arizona (February 26), Virginia Beach (April 12) in Virginia and St. Petersburg (September 10) in Florida, as well as Urdaneta in Pangasinan, Philippines (December 10) underwent a complete makeover of their houses of worship.

Also in 2005, the Church completed two housing projects for its ministers, evangelical workers, and Central Office volunteer workers on F. Manalo, San Juan, Metro Mania (in May) and in New Era, Quezon City (in November), respectively.

Friday, March 17, 2006

Getting the Good News across

TO PROCLAIM THE good news of salvation to as many people as possible has always been the overarching mission of the Iglesia ni Cristo (Church of Christ). Whether by way of face-to-face encounters or through the mass media, we carry out this task with a sense of urgency, aware as we are that there is not much time left before this world comes to its fiery end.
We know that the day appointed by God to bring the world to judgment is fast approaching, and we must do the best we can to share the truth about salvation to those who do not know it yet. There is, indeed, an immediate need to disseminate the biblical truth that although man has been alienated from God because of sin, and as a consequence, the whole world is held accountable to Him on the day of Judgment, the good news is that God sent His beloved Son, Jesus Christ, to save sinners (Col. 1:21; Rom. 3:19; Jn. 3:16). And to fulfill this redemptive function, Christ “created in himself one new man” – consisting of Himself as the head, and of the Church that He founded as the body – so that He can save the sinner without violating God’s decree that “each is to die for his own sin” (Eph. 2:15; Mt. 16:18; Dt. 24:16). Thus, the salvific death of Christ is meant to benefit the members of His Body, the Church, a fact that underscores the importance and necessity of Church membership as a part of God’s master plan of salvation. This is not to say that it is the Church that will save man, rather, it is the Church – the true Church – that will be saved by Christ, Who is the only Savior appointed by God.
It is of paramount importance that the truth about salvation be made known to all who want to be saved, including those who think that they already know it but, on closer scrutiny, actually do not. For instance, there are those who think that faith alone in Christ is sufficient for them to attain salvation, and it is not necessary for them to become members of any church or even the true Church or Church of Christ and to do any works at all. Such a notion is so fundamentally wrong and yet is so widely held and circulated.
Because of the urgency and magnitude of the task, our evangelistic outreach employs the mass media to put across the pristine teachings of the Bible to a large number of people simultaneously.
Hence, aside from this magazine that you are reading, and its international edition, the God’s Message, the Iglesia ni Cristo also publishes pamphlets that also dwell on the beliefs of this church for the perusal of those who are seeking the truth. Today, 63 radio stations, 218 cable TV and 64 relay television stations all over the country broadcast the Church’s religious programs on a daily or weekly basis. Also, 554 cable TV stations relay the Church’s daily religious programs which are aired over NET 25, a UHF television station. We telecast our four religious programs: The Message,Ang Iglesia Ni CristoPasugo: Ang Tinig Ng Iglesia Ni Cristo, and Ang Tamang Daan. Among our radio programs are: Iglesia Ni CristoAng Tamang DaanAng Pinagpapalang SambahayanIto Ang PayoWhat The Bible SaysLandas ng BuhayThis Is The AnswerSalita ng Diyos Ang Tanging LunasAng PagbubunyagBiblia Ang SasagotBiblia Ang Lunas, and Ibalita Ang Pagliligtas. Aside from the radio programs in English and Filipino, there are also religious programs broadcast in major Philippine languages, such as Kini Ang KamatuoranDalan Sa KinabuhiPagsusi sa Kamatuoran (Cebuano); Mantepet Kayo (Pangasinense); and Agsaludsud Kayo (Ilocano).
Periodically, district wide (covering a province or a state) massive evangelistic campaigns, dubbed grand evangelical missions, are conducted in public squares or in sports complexes big enough to accommodate huge crowds. Everyday, in thousands of locale churches of the Iglesia ni Cristo all over the world, ministers and workers are preaching the gospel to smaller groups of truth seekers. They are assisted by Church officers and members who relentlessly perform missionary works by inviting their friends, relatives, and acquaintances to those places where studies on biblical doctrines are being conducted by evangelical workers of the Iglesia ni Cristo. All members, from the newest converts to the older ones, are expected to do their part in evangelism, after all most of us have been called by God out of spiritual death into spiritual life through the efforts of those who have persistently and resolutely shared the good news of salvation.
They draw inspiration from the fact that the members of the first-century Church were themselves instrumental in the spread of Christianity. As Apostle Paul wrote to the Philippians:
“And you too, my faithful partner, I want you to help these women; for they have worked hard with me to spread the gospel, together with Clement and all my other fellow workers, whose names are in God’s book of the living.” (Philip. 4:3, Today’s English Version)
And to the Thessalonians, he said:
“For not only did the message about the Lord go out from you throughout Macedonia and Achaia, but the news about your faith in God has gone everywhere.” (I Thess. 1:8, Ibid.)
As it was in the past, so it is in the present. In today’s Church of Christ, the entire membership, following the Church Administration’s lead, is mobilized for evangelism. And it is truly heartening that our enthusiastic response and enormous efforts, coupled with God’s continuing guidance, yield bountiful harvest. The message about the Lord’s salvation is going out into the world and people are joining the Church in droves! Praise be unto God!