Tuesday, May 14, 2013

Ang Likas na Kalagayan ni Cristo (Ikaanim na Bahagi)

Totoo kayang tinanggap na ng mga unang Cristiano na si Cristo ay Diyos noong Siya ay mabuhay na mag-uli?
AYON SA PARING Jesuita na si Pedro Sevilla tinanggap daw ng mga unang Cristiano na si Cristo ay Diyos nang Siya ay mabuhay na mag-uli. Ganito ang mababasa natin sa sinulat niyang aklat:

“Batay na rin sa kanilang karanasan ng muling nabuhay na si Jesus, tinanggap na ng mga unang Cristiano ang pagiging Diyos ni Cristo kahit wala pang mga tiyak na konsepto sa Bagong Tipan gaya halimbawa, ng substansiya (substance), kalikasan o natura (nature), at iba pa.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, p. 29)

Nabuhay na mag-uli ngunit hindi Diyos
Totoo kayang tinaggap na ng mga unang Cristiano na si Cristo ay Diyos noong Siya ay mabuhay na mag-uli? Ano ang karanasan ng mga unang Cristiano nang si Cristo ay mabuhay na mag-uli? Sipiin natin ang pahayag ni Apostol Juan sa sinulat niyang Ebanghelyo:

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao’y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin, Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria, Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, ngunit pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.” (Juan 20:15-17)

Doon pa lamang sa libingan, nang pumaroon si Maria Magdalena, ay natiyak na niyang si Jesus, nang mabuhay na maguli, ay hindi Diyos. Maliwanag ang sinabi sa kaniya ni Jesus, “Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, aking Dios at inyong Dios.” Hindi sinabi ni Cristo na Siya ang Diyos.

Si Lucas ay nagbigay rin ng salaysay tungkol sa karanasan ng mga alagad ni Cristo noong Siya ay mabuhay na mag-uli:

“At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? At bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” (Lucas 24:36-39)

Mababakas din natin sa ebanghelyo ayon kay Lucas na si Cristo ay hindi Diyos noong mabuhay na mag-uli. Itinala ni Lucas ang pagtutuwid na ginawa ni Cristo sa mga alagad nang akalain nilang Siya ay isang espiritu nang mabuhay na mag-uli. Sa kalagayan pa lamang ay magkaiba na si Cristo at ang Diyos. Si Cristo ay may laman at buto, samantalang ang Diyos ay espiritu (Juan 4:24). Hindi pinayagan ni Cristo na ang mga alagad ay manatili sa kanilang maling akala, bagkus sila ay Kaniyang itinuwid. Sinabi sa kanila ni Cristo, “Ang isang espiritu ay walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” Maliwanag, kung gayon, na kahit na noong mabuhay na mag-uli si Cristo ay namalaging Siya’y tao at hindi Diyos. Pinatutunayan ito maging ng pahayag ni Apostol Pedro:

“Saksi kami sa lahat ng ginawa niya sa lupain ng mga Judio at sa Jerusalem. Gayunman, siya’y ipinako nila sa krus. Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw. Napakita siya, hindi sa lahat ng tao kundi sa amin lamang na noon pang una’y pinili na ng Diyos bilang mga saksi. Kami ang nakasama niyang kumain at uminom pagkatapos na siya’y muling mabuhay.” (Gawa 10:39-41, Magandang Balita Biblia)

Malinaw sa pahayag ni Apostol Pedro na si Cristo na nabuhay na mag-uli ay hindi Diyos. Ang bumuhay kay Cristo ay ang Diyos. Mapapansin din na nang mabuhay na mag-uli, si Cristo ay nakasalo ng mga apostol sa pagkain at pag-inom, na normal na ginagawa ng isang tao. Pinatunayan ni Apostol Pedro na tao ang likas na kalagayan ni Cristo na binuhay ng Diyos na mag-uli sa mga patay:

“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula’t mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.” (Gawa 2:22-23, Ibid.)

Maliwanag ang pahayag ni Apostol Pedro na si Cristo ay taong sinugo ng Diyos. Pinatunayan ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga himala at kababalaghan at mga tanda na Kaniyang ginawa sa pamamagitan ni Cristo. Bakas na bakas natin sa pahayag ni Apostol Pedro na si Cristo ay tao at ang kinikilala niyang Diyos ay ang nagsugo at bumuhay na mag-uli kay Cristo.

Umakyat sa langit ngunit hindi Diyos
Makaraan ang 40 araw mula nang Siya’y mabuhay na maguli, si Cristo ay umakyat sa langit. Ngunit sa mga nasulat na pahayag sa Bagong Tipan ay walang mababasang patotoo na ang Cristo ay naging Diyos nang umakyat na Siya sa langit. Nang ipahayag ni Cristo kay Maria Magdalena na Siya ay aakyat sa langit, hindi Niya sinabi na Siya ay Diyos. Sa halip, ang terminong “Diyos” ay inilaan ni Cristo para sa Ama:

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao’y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni’t pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.” (Juan 20:15-17)

Sa panahon pa ng Matandang Tipan ay hinulaan na ang pag-akyat ni Cristo sa langit. Ngunit kahit sa mga hulang iyon ay malinaw na iba si Cristo sa Diyos:

“THE LORD (God) says to my Lord (the Messiah), Sit at My right hand, until I make Your adversaries Your footstool.” [ANG PANGINOON (Diyos) ay nagsabi sa aking Panginoon (ang Mesias), Umupo Ka sa Aking kanang kamay hanggang ang Iyong mga kaaway ay gawin Kong tuntungan ng Iyong mga paa.] (Ps. 110:1, Amplified Bible)

Makikita sa hulang ito ang pagkakaiba ng tinatawag na Diyos at ng tinatawag na Cristo. Ang Panginoon na tinatawag na Diyos ang nagsabi sa Panginoon na tinatawag na Mesias, “Umupo ka sa aking kanan.” Hindi si Cristo ang Diyos, kundi Siya ang Mesias.

Pinatutunayan ito sa Bagong Tipan ng maraming ulit.

“Kung kayo nga’y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.” (Col. 3:1)

“Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.” (I Ped. 3:22)

“Ang muling bumuhay kay Cristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos.” (Efe. 1:20, MB)

Mapapansin sa mga talatang ito na walang sinasabi na sa langit ay naging Diyos si Cristo. Malinaw na ipinakikita sa mga talatang sinipi ang pagkakaiba ng Diyos at ni Cristo. Hindi si Cristo ang Diyos, kundi Siya ang nakaupo sa kanan ng Diyos. Maging si Esteban na diakono ay nagpatotoo na si Cristo ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Diyos:

“Datapuwa’t siya, palibhasa’y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios, At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao ay nakatindig sa kanan ng Dios.” (Gawa 7:55-56)

Una pa rito, ipinahayag na sa Matandang Tipan na tao ang nasa kanan ng Panginoong Diyos:

“Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.” (Awit 80:17)

Walang pag-aalinlangan na ang tinutukoy na tao na nasa kanan ng Diyos ay walang iba kundi ang Panginoong Jesucristo, gaya ng sinasabi sa mga talatang ating sinipi. Kaya’t kahit noong si Cristo ay nasa langit na, Siya’y malimit na tinawag na tao ng mga manunulat ng Bagong Tipan.

Tinawag ni Pablo na tao si Cristo“Sapagka’t may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.” (I Tim. 2:5)

Tinawag ni Pedro na tao si Cristo
“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula’t mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.” (Gawa 2:22-23, MB)

Tinawag ni Santiago na tao si Cristo“Hinatulan ninyo at pinatay ang Taong Banal, at hindi Siya lumaban sa inyo.” (Sant. 5:6, Salin ni Trinidad)

Muling paririto ngunit hindi DiyosNang si Jesus ay umakyat sa langit, ipinangako Niya sa Kaniyang mga alagad na Siya ay muling paririto. Ano ang Kaniyang likas na kalagayan sa Kaniyang pagbabalik? Siya ba ay babalik bilang isang Diyos?

“At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya’y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya’y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin. At samantalang tintititigan nila ang langit habang siya’y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit; Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.” (Gawa 1:9-11)

Isinalaysay ni Lucas na samantalang tinititigan ng mga alagad ang pagdadala kay Cristo sa langit, dalawang lalaki ang nagsabi na, “Itong si Jesus … ay pariritong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon sa langit.” Samakatuwid ay walang pagbabago sa kalikasan ni Cristo – tao Siyang umakyat sa langit, tao rin Siyang magbabalik.

Maging si Apostol Pablo ay naturo na si Cristo ay muling paririto. Mababakas sa kaniyang sulat na paririto si Cristo hindi bilang isang Diyos, sapagkat ang Ama ang tinatawag Niyang Diyos:

Upang patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal.” (I Tes. 3:13)

Maliwanag na ang terminong “Diyos” ay ikinapit ni Apostol Pedro sa Ama. Hindi kailanman ginamit ni Apostol Pablo ang terminong ito kay Cristo. (May Karugtong)

Wednesday, May 8, 2013

Is there such a thing as God’s chosen people?

THE TEACHING THAT there is a select group given the right to worship God is so unpopular in today’s society in which all beliefs are accepted as being equal. In fact, any group claiming that they are the only true Church is automatically looked upon with disdain. But is this teaching of an elect group chosen by God against the Bible? Is it true, as many suppose, that everyone has the right to worship God?

Prophet Isaiah long ago declared the consequence of mankind’s sins:

“But your iniquities have separated you from your God; and your sins have hidden His face from you, so that He will not hear.” (Is. 59:2, New King James Version)
As a result of sin, mankind’s inherent right to serve God was lost. No matter how much they called upon God, He will no longer accept their services. This became everyone’s dire situation because all people, with the exception of Jesus Christ, sinned (Rom. 5:12; I Pt. 2:21-22).
Who then can call upon God and be heard? King David stated in his psalms the following:
“Remember that the LORD has chosen the righteous for his own, and he hears me when I call to him.” (Ps. 4:3, Today’s English Version)
This is the importance of the election from God. Only those chosen will be heard by Him. That is why for any organization or church to have the right to serve God, it must be chosen by Him. What people don’t realize is that this has been God’s policy ever since ancient times.

God’s first nation
Those who truly believe that the Bible is God’s word will never deny that Israel was His first nation. Even though there were other nations and other religions during the time of Israel, only Israel was given the right to serve God – “Who are Israelites, to whom pertain the adoption, the glory, the covenants, the giving of the law, the service of God, and the promises” (Rom. 9:4, NKJV).
In fact, Israel alone had God:
“And he returned to the man of God, he and all his aides, and came and stood before him; and he said, ‘Indeed, now I know that there is no God in all the earth, except in Israel’.” (II Kings 5:15, Ibid.)
Israel was given this right to serve God because of the covenant that God made with their ancestors:
“For you are a holy people to the LORD your God; the LORD your God has chosen you to be a people for Himself, a special treasure above all other peoples on the face of the earth. The LORD did not sent His love on you nor choose you because you were more in number than any other people, for you were the least of all peoples; But because the LORD loves you, and because He would keep the oath which He swore to your fathers, the LORD has brought you out with a mighty hand, and redeemed you from the house of bondage, from the land of Pharaoh king of Egypt.” (Dt. 7:6-8,Ibid.)
We should notice that the basis of God in choosing Israel was not their population, but their covenant or oath with God which He made with the fathers or ancestors of Israel. This oath was sworn to the patriarch Abraham:
“When Abram was ninety-nine years old, the LORD appeared to Abram and said to him, ‘I am Almighty God; walk before Me and be blameless.
“No longer shall your name be called Abram, but your name shall be Abraham; for I have made you a father of many nations.
“And I will establish My covenant between Me and you and your descendants after you in their generations, for an everlasting covenant, to be God to you and your descendants after you’.” (Gen. 17:1, 5, 7, Ibid.)
God established a covenant or sacred agreement with Abraham and his descendants, a covenant that both sides had to fulfill. But, did Israel fulfill their end of the covenant?
“…All Israel has transgressed Your law, and has departed so as not to obey Your voice; therefore the curse and the oath written in the Law of Moses the servant of God have been poured out on us, because we have sinned against Him.” (Dan. 9:11, Ibid.)
Israel broke the covenant, which was why there was a need for a new covenant or New Testament. This was why Christ established His Church in the first century.



The prophecy concerning the first-century Church of Christ

When Apostle Peter was addressing the members of the Church of Christ in the first century, he told them the basis of their right to serve God:
“And so we have the prophetic word confirmed, which you do well to heed as a light that shines in a dark place, until the day dawns and the morning star rises in your hearts.” (II Pt. 1:19, Ibid.)
The members of the Church of Christ in the first century knew that they had the right to serve God because it was prophesied or written long ago that they would be given that right. This was the prophecy that God Himself proclaimed through the prophets:
“Also your people shall all be righteous; they shall inherit the land forever, the branch of My planting, the work of My hands that I may be glorified.” (Is. 60:21, Ibid.)
In this prophecy, God said, “the branch of My planting, the work of My hands that I may be glorified.” When our Lord Jesus Christ was fulfilling His mission of salvation, He proved that He and His disciples were the fulfillment of this prophecy:
“I am the true vine, and My Father is the vinedresser.
“I am the vine, you are the branches. He who abides in Me, and I in him, bears much fruit; for without Me you can do nothing.” (Jn. 15:1, 5, Ibid.)
The equivalent of Christ as the vine and His disciples as the branches was given as a comparison by Apostle Paul:
“And He is the head of the body, the church.” (Col. 1:18, Ibid.)
The name of the Church built by Christ is the Church of Christ:
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood.” (Acts 20:28, Lamsa Translation)
Therefore, the Church of Christ in the first century had the right to serve God because it was planted or chosen by Him. It had the prophetic word made sure. In other words, it was the fulfillment of biblical prophecy.
However, our Lord Jesus Christ pronounced through prophecy what would happen to the first-century Church:
“Then many false prophets will rise up and deceive many.
“Then they will deliver you up to tribulation and kill you.” (Mt. 24:11, 9,NKJV)
An apostasy led by the false prophets overtook the Church in the first century. Many of its members were turned away from the true faith, and they followed doctrines of the devil (I Tim. 4:1,3). On the other hand, those who were not deceived were killed.


The true Church that emerged in the Far East
For a church to be true, it must also have a prophecy proving its truthfulness. It must have biblical proof that it is biblically and prophetically linked to the Church that Christ built. The Iglesia ni Cristo or Church of Christ that emerged in the Philippines in 1914 has such prophecies. Please take note of the following prophecies:
“Therefore in the east give glory to the LORD; exalt the name of the LORD, the God of Israel, in the islands of the sea. From the ends of the earth we hear singing: ‘Glory to the Righteous One.’” (Is. 24:15-16, New International Version)
In this prophecy, God would once again be glorified, but it is not by those from the east known as the Middle or Near East. God Himself foretold from where in the east those He has chosen to serve Him would come:
“From the far east will I bring your offspring.” (Is. 43:5, Moffatt Traslation)
The Church of Christ in these last days emerged in the Philippines, a country in the Far East:
“The Philippines were Spain’s share of the first colonizing movements in the Far East.” (World History, p. 445)
According to the Encyclopedia Britannica, the Philippines has over 7, 100 islands. We now know the name of the true Church, the Church of Christ; we also know the place it would reemerge, the Far East, islands of the sea or the Philippines. But do we know the biblical date? In the verse we quoted earlier, Isaiah 24:15-16, it says, “From the ends of the earth.” The period “ends of the earth,” otherwise known as the end of times or last days, is different from the end of the world. The end of the world is the second advent of our Lord Jesus Christ on the day of Judgment. The Scriptures states:
“And as he sat upon the mount of Olives, the disciples came unto him privately, saying, Tell us, when shall these things be? And what shall bethe sign of thee coming, and of the end of the world?” (Mt. 24:3, King James Version)
What was our Lord Jesus Christ’s answer to the question of the disciples?
“So you also, when you see all these things, know that it is near – at the doors!” (Mt. 24:33, NKJV)
The ends of the earth is the period of time when the end of the world is near, at the very doors. What are the visible signs that the day of Judgment is approaching? Our Lord Jesus Christ gave the sign of a major war, which was unlike any war in the past:
“And you will hear of wars and rumors of wars. See that you are not troubled; for all these things must come to pass, but the end is not yet.” (Mt. 24:6, Ibid.)
What our Lord Jesus Christ gave was not an ordinary sign, but the sign that the end of the world is near. That is why this is a war that would be heard. Who would hear about this war? What makes this war different from any other in the past? In a related prophecy, Prophet Isaiah spoke of a war that would be heard all over the earth involving all armies of the world:
“Come near, you nations, to hear; and heed, you people! Let the earth hear, and all that is in it, the world and all things that come forth from it. For the indignation of the LORD is against all nations, and His fury against all their armies; He has utterly destroyed them, He has given them over to the slaughter.” (IS. 34:1-2, Ibid.)
A war of this scale never occurred in the history of mankind until the First World War:
“The first terrible war, which involved the whole world and caused so much death and destruction, was World War I.” (World History in an Oriental Setting, p. 850)
The news about this war could not have spread all over the world until the fulfillment of another prophecy which would occur at a time when the world’s end is near:
“But you, Daniel, shut up the words, and seal the book until the time of the end; many shall run to and fro, and knowledge shall increase.” (Dan. 12:4, NKJV)
Before the end of the world, knowledge shall increase, enabling the news of this war to travel fast so that the whole world could hear about this war. This increase of knowledge was manifested in technology:
“The electric telegraph was the product of many minds in many lands, but it became a practical success in the hands of the American, Morse, in 1844. A submarine cable was laid between England and France in 1851… telephone entered commerce with the American inventor, Bell, in 1876. The Italian, Marconi, succeeded with wireless telegraphy around 1896. Radio was invented shortly before the First World War.” (World History, vol. 2, pp. 543)
The First World War was unique in many ways. It was the first war global in scope, and the news of this war was heard all over the world. When did the First World War begin?
“The first great campaign on the southeastern battle grounds of the Great War began on July 27, 1914, when the Austrian troops undertook their first invasion of Serbia.” (The Story of the Great War from Official Sources, p. 291)
When on the other hand, was the Church of Christ officially registered with the Philippine government? On July 27, 1914 – concurrent with the outbreak of the First World War.
The reemergence of the Church of Christ in the Philippines in 1914 is the fulfillment of biblical prophecies attesting to its election by God. The period of time, the place, and the name had been prophesied long ago and were fulfilled in this Church. This is the Church that has been chosen to serve God and receive His promise in these last days.
Although many people may criticize the doctrine that only a chosen group or church will be saved on the day of Judgment, this remains God’s standing policy in determining whose worship would be accepted by Him. The many biblical prophecies concerning the reemergence of the Church of Christ in these last days give the Church its basis in preaching the right to salvation.

Thursday, April 25, 2013

Ang Likas na Kalagayan ni Cristo Ang Kaniyang Pagkapanginoon (Ikalimang Bahagi)

“At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan.” – Corinto 15:28, Magandang Balita Biblia
Maliwanag sa mga manunulat ng Bagong Tipan na si Cristo ay Panginoon ngunit hindi Siya ang Diyos. Ang tinutukoy nilang Diyos ay ang Ama ng Panginoong Jesucristo.

SA MARAMING PAGKAKATAON ay tinatawag na Panginoon si Cristo sa Bagong Tipan. Ito ay ginagamit na batayan ng iba sa kanilang paniniwalang Diyos si Cristo. Subalit, ang pagkapanginoon nga ba ni Cristo ay katunayang Siya ay Diyos? Hindi. Hindi ito nangangahulugang si Cristo ang Diyos. Iba ang Panginoong Diyos sa Panginoong Jesucristo. Ito ang pinatutunayan sa atin ng Biblia:

“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.” (Gawa 2:36)

Pansinin na sa pagtuturo ni Apostol Pedro ang Cristong Panginoon ay hindi ang Diyos. Alam ni Apostol Pedro na ang tinatawag na Diyos ay iba sa tinatawag na Cristo. Ang Diyos ang gumawa na si Cristo ay maging Panginoon.

Maging sa mga sulat ni Apostol Pablo ay makikita natin ang pagkakaiba ng Panginoong Diyos sa Cristong Panginoon. Tunghayan natin ang pahayag ni Apostol Pablo:

“Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa. At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.” (Filip. 2:9-11)

Ang Diyos ang nagpadakila at nagbigay kay Cristo ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan. Kung iniutos man na ang lahat ng tuhod ay dapat lumuhod kay Cristo, hindi ito nangangahulugang si Cristo ay Diyos, kundi, ito’y sa ikaluluwalhati ng Diyos na nagpadakila at nagbigay kay Cristo ng pangalang lalo sa lahat.

Makikita rin natin sa ibang mga sulat ni Apostol Pablo ang pagkakaiba ng Panginoong Diyos sa Panginoong Jesucristo:

“Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: ‘Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos’. (Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.) At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan.” (I Cor. 15:27-28, Magandang Balita Biblia)

Maliwanag sa tinuran ni Apostol Pablo na si Jesus ay Panginoon sapagkat ang lahat ng mga bagay ay lubusang pinasuko ng Diyos sa ilalim ng Kaniyang kapangyarihan. Subalit, si Cristo ay hindi Diyos, sapagkat bagaman ang lahat ay ipinailalim sa kapangyarihan ni Cristo, gayunman, si Cristo ay paiilalim naman sa kapangyarihan ng Diyos, kung kaya’t ang Diyos ang lubusang maghahari sa kalahat-lahatan.

Mababakas din natin sa mga manunulat ng Bagong Tipan na kung tinawag man nila na “Panginoon” ang Cristo, hindi ito nangangahulugang si Cristo ang Diyos. Malaki ang pagkakaiba ng pagtawag nila ng “Panginoon” kay Cristo sa pagtawag nila ng Panginoon sa tunay na Diyos o sa Amang nasa langit sapagkat alam nilang magkaiba ang Diyos at si Cristo. Ganito ang pnatutunayan ng mga sumusunod na talata:

“Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.” (Roma 15:6)

“Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo. Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan.” (II Cor. 1:2-3)

“Nagpapasalamat kami sa Dios, na Ama ng ating Panginong Jesucristo, na kayo’y laging idinadalangin.” (Col. 1:3)

“Ngayo’y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama, at ng ating Panginoong Jesus, ang aming paglalakbay sa inyo.” (I Tes. 3:11)

“Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin, at ang Dios na ating Ama na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya.” (II Tes. 2:16)

“Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoong Jesucristo, ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat.” (Sant. 1:1)

“Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay.” (I Ped. 1:3)

Maliwanag sa mga manunulat ng Bagong Tipan na si Cristo ay Panginoon ngunit hindi Siya ang Diyos. Ang tinutukoy nilang Diyos ay ang Ama ng Panginoong Jesucristo.

Kung kanino tumutukoy ang ‘Panginoong Diyos’Sa Bagong Tipan, kapag binabanggit ang pariralang “Panginoong Diyos,” ito ay hindi tumutukoy kay Cristo. Nagpapatunay lamang ito na ang Panginoong Diyos ay iba sa Panginoong Jesucristo:

“Tunay na sinabi ni Moises, Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo’y sasalitain niya.” (Gawa 3:22)

Sa talatang ito ay ikinapit ang titulong “Panginoon” sa Diyos ngunit ang Diyos na tinutukoy ay hindi si Cristo. Sa halip, si Cristo ang propetang tinutukoy na ititindig ng Panginoon.

Maging sa sinulat ni Lucas ay makikita ang pagkakaiba ng Panginoong Jesucristo sa Panginoong Diyos:

“Siya’y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya’y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama.” (Lucas 1:32)

Dito ay ginamit ang titulong “Panginoon” at ikinapit sa talatang ito ay hindi si Cristo. Si Cristo ang Anak ng Kataastaasan at sa Kaniya ibibigay ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David. Iba ang Panginoong Diyos na nagbigay kaysa sa Panginoong Jesus na binigyan.

Nalalaman din ni Lucas na ang Cristo na Anak ng Kataastaasan ay tatawaging “Panginoon” (Lucas 2:11), ngunit sa kabila nito, hindi niya ipinagkamali na si Cristo ang Diyos. Alam ni Lucas na iba ang Panginoong Diyos sa Cristong Panginoon.

Ang salitang Griyego na kyrios (κυριος)Ang paggamit ng salitang “Panginoon” na katumbas ng salitang Griyego na kyrios o kurios para kay Jesus ay ipinalagay ng iba na katunayan ng diumano’y paniniwalang Cristiano na Diyos si Cristo:

“Alam natin na ang griegong Kyrios ay salitang ginamit ng Septuahinta upang isalin ang hebreong Yahweh at Adonai. Bago ginamit para kay Jesus ang Kyrios (Phil. 2:9), matagal na itong ginamit para sa Diyos ng Lumang Tipan. … Hindi maitatatwa na sa paggamit ng griyegong Kyrios para kay Jesus (Phil. 2:9) na siyang salin ng Septuahinta para sa Yahweh (Adonai) ay tinatanggap na ng mga kristiyano ang pagiging Diyos ni Jesus.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, pp. 22-24)

Ang salitang Griyego na Kyrios ay siyang matatagpuan sa Septuaginta bilang kapalit ng Tetragrammaton – pangalang ng Diyos na binubuo ng apat na letrang Hebreo. Sa takot ng mga Judio na mabigkas ang pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan (blasphemy) ang pangalan ng Diyos ay pinalitan nila ng terminong “Panginoon” katumbas ng Kyrios sa wikang Griyego na ito nga ang terminong ginamit sa saling Septuaginta.

Subalit dapat maunawaan na bagaman ang salitang Griyego na Kyrios ay ginamit upang tumukoy sa Diyos, hindi nangangahulugang Diyos ang lahat ng pinagkapitan ng salitang ito. Sa katunayan, ang salitang Griyego na Kyrios ay hindi lamang sa Diyos at kay Cristo ginamit. Ang sinalugguhitang salita sa mga sumusunod na talata ay ang itinumbas sa salitang kyrios o kurios sa Bibliang Griyego:


  • Si Pilato ay tinawag na kurios

  • “Na nagsisipagsabi, Ginoo, naaalaala naming na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa, Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli.” (Mat. 27:63)

  • Ang may-ari ng asno ay tinawag na kurios

  • “At nang kinakalag nila ang batang asno, ay sinabi sa kanila ng mga may-ari niyaon, Bakit kinakalag ninyo ang batang asno?” (Lucas 19:33)

  • Si Felipe ay tinawag na kurios
  • “Ang mga ito nga’y nagsilapit kay Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.” (Juan 12:21)

  • Ang anghel ay tinawag na kurios

  • “Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio. At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito,Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, Ang mga panalangin mo at ang iyong mga paglimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios.” (Gawa 10:3-4)

  • Si Pablo at si Silas ay tinawag na kurios
  • “At siya’y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas, At sila’y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?” (Gawa 16:29-30)

  • Ang haring Agripa ay tinawag na kurios
  • “Tungkol sa kaniya’y wala akong alam na tiyak na bagay na maisusulat sa aking panginoon. Kaya dinala ko siya sa harapan ninyo, at lalong-lalo na sa harapan mo, haring Agripa, upang, pagkatapos ng pagsisiyasat, ay magkaroon ng sukat na maisulat.” (Gawa 25:26)

    Ang mga sumusunod na talata na hinango sa Matandang Tipan ay mula sa Septuaginta:

  • Si Abraham ay tinawag na kurios ni Sara
  • “At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili, na sinasabi, Pagkatapos na ako’y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan, at matanda na rin pati ng panginoon ko?” (Gen. 18:12)

  • Si Esau ay tinawag na kurios
  • “At inutusan niya sila, na sinasabi, Ganito ninyo sabihin sa akingpanginoong kay Esau. Ganito ang sabi ng iyong lingkod na si Jacob, Dumoon ako kay Laban at ako’y natira roon hanggang ngayon.” (Gen. 32:4)

  • Si Faraon ay tinawag na kurios
  • “At kanilang sinabi, Iyong iniligtas ang aming buhay: makasumpog nawa kami ng biyaya sa paningin ng aking panginoon, at kami ay maging mga alipin ni Faraon.” (Gen. 47:25)

  • Si Jose ay tinawag na kurios
  • “Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito, kundi ang Dios: at kaniya akong ginawang ama kay Faraon, at panginoon sa buo niyang bahay, at tagapamahala ng buong lupain ng Egipto.” (Gen. 45:8-9)

    “Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay, At pinuno sa lahat niyang pagaari.” (Awit 105:21)

    Maliwanag na ang titulong “Panginoon” na ibinigay kay Cristo ay hindi katunayan na Siya ang tunay na Diyos.

(May Karugtong)


Thursday, April 11, 2013

Ang Likas na Kalagayan ni Cristo (Ikaapat na Bahagi)

Hindi tinawag na Diyos si Jesus sa mga Ebanghelyong Sinoptiko. Kahit sa Ebanghelyo ni Juan, hindi tiyakang sinabi ni Jesus mismo na siya ay Diyos.” –Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, p. 32
"Tinawag ni Cristo ang Diyos na Kaniyang Ama - katumbas ng Siya ang Anak ng Diyos at hindi Siya ang Diyos."

KUNG ATING SUSURIIN ang Bagong Tipan, mauunawaan natin sa mga sinulat ng mga apostol at mga ebanghelista na hindi si Cristo ang Diyos na kanilang kinilala at ipinakilala. Ipinakilala nila si Cristo bilang “Anak ng Diyos.” Noon pa mang ibalita ng anghel kay Maria na siya ay maglilihi ay ipinagpauna na, na ang kaniyang magiging anak ay tatawaging Anak ng Diyos:

“At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.” (Lucas 1:35)

Si Cristo ang Anak ng DiyosMaging sa Ebanghelyong sinulat ni Mateo ay mababasang maliwanag na nang bautismuhan si Cristo ay narining ang tinig ng Ama na nagsasabing, “Ito ang sinisinta kong Anak”:

“At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito angsinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.” (Mat. 3:17)

Ipinakilala rin si Jesus ng ebanghelistang si Marcos bilang Anak ng Diyos. Sa pagpapasimula ng kaniyang Ebanghelyo ay ganito ang sinasabi.

“Ang pasimula ng evangelio ni Jesucristo, ang Anak ng Dios.” (Mar. 1:1)

Sa Ebanghelyo ayon kay Apostol Juan, si Cristo ay ipinakilala rin bilang Anak ng Diyos:

“At aking nakita, at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios.” (Juan 1:34)

Maliwanag, kung gayon, na sa mga Ebanghelyo Sinoptiko at maging sa Ebanghelyo ayon kay Apostol Juan, si Cristo ay ipinakikilalang Anak ng Diyos – hindi si Cristo ang Diyos. Ang isang paring Jesuita na si Pedro Sevilla ay sumulat ukol sa bagay na ito:

“Hindi tinawag na Diyos si Jesus sa mga Ebanghelyong Sinoptiko. Kahit sa Ebanghelyo ni Juan, hindi tiyakang sinabi ni Jesus mismo na siya ay Diyos.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, p. 32)1

Ang patotoo ng mga apostol
Nang tanungin ni Jesus ang Kaniyang mga alagad kung ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa Kaniya, sinabi ni Apostol Pedro na, “Ikaw ang Anak ng Diyos na buhay.” Hindi sinabi ni Apostol Pedro na si Cristo ang Diyos na buhay:

“Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao? At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, si Elias, at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta. Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa’t, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Dios na buhay. At sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Mapalad ka, Simon Bar-Jonas: sapagka’t hindi ipinahayag sa iyo ito ng laman at ng dugo, kundi ng aking Ama na nasa langit.” (Mat. 16:13-17)

Sinang-ayunan ni Jesus ang pagpapahayag ni Apostol Pedro ng kaniyang pananampalataya, at Kaniyang sinabi rito: “Hindi ito ipinahayag sa iyo ng laman at dugo kundi ng aking Ama na nasa langit.”

Mapapansin na tinawag ni Cristo ang Diyos na Kaniyang Ama – katumbas ng Siya ang Anak ng Diyos at hindi Siya ang Diyos. Sa aklat na The History of God ni Karen Armstrong, isang dating madre sa simbahang Katoliko, ay mababasa ang pagsang-ayon niya sa katotohanang ito:

“Hindi sinabi ni Pedro na si Jesus na taga-Nazaret ay Diyos. Siya ay tao, na pinatunayan sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ng mga himala at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya nang siya ay nasa gitna ninyo’.” (p. 107)2

Maging sa mga sulat ni Apostol Pablo ay malimit niyang banggitin na si Cristo ay Anak ng Diyos ngunit hindi niya ginamit ang titulong Diyos para kay Cristo. Katunayan, pagkatapos na matanggap ni Pablo ang bautismo, ang unang ipinahayag niya sa mga sinagoga ay si Jesus ang “Anak ng Diyos”:

“At pagdaka’y kaniyang itinanyag sa mga sinagoga si Jesus, na siya ang Anak ng Dios.” (Gawa 9:20)

Ang pananampalataya ni Apostol Pablo na si Cristo ay Anak ng Diyos ay makikita sa kaniyang mga sulat:

“Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga’y si Jesucristo na Panginoon natin.” (Roma 1:4)

“Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.” (I Cor. 1:9)

“Sapagka’t ang Anak ng Dios, si Jesucristo na ipinangaral naming sa inyo,…” (II Cor. 1:19)

“Ako’y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, angpananampalataya na ito’y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.” (Gal. 2:20)

“Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo.” (Efe. 4:13)

Natunghayan natin sa mga sulat ni Apostol Pablo mismo kung ano ang kaniyang pananampalataya tungkol kay Cristo. Kinilala ni Apostol Pablo sa kaniyang mga sulat na si Cristo ay Anak ng Diyos. Hindi niya kailanman isinulat na si Cristo ang Diyos. Si Raymond Brown, isang paring Katoliko, ay nagpahayag sa kaniyang aklat:

“Kailanman’y hindi tinatawag na Diyos si Jesus sa mga Ebanghelyong Sinoptiko, at ang isang talatang gaya ng Mar. 10:18 ay waring nag-aalis ng posibilidad na ginamit ni Jesus para sa kaniyang sarili ang gayong katawagan. Maging ang ikaapat na Ebanghelyo [Juan] ay hindi inilalarawan si Jesus na tiyakang nagsasabing siya ay Diyos. Ang mga sermon na ayon sa Mga Gawa ay sinalita sa pagsisimula ng misyong Cristiano ay hindi binabanggit si Jesus bilang Diyos. Kaya, walang dahilan upang isiping si Jesus ay tinawag na Diyos sa mga unang yugto ng tradisyon ng Bagong Tipan. Ang negatibong konklusyong ito ay pinatitibayan ng katotohanang hindi ginamit ni Pablo [para kay Cristo] ang katawagan [na Diyos] sa alinmang epistola na nasulat bago ang taong 58.” (Jesus: God and Man, p. 30)3

Ang teologong Katoliko na is Hans Kűng ay nagpahayag din ng ganito:

“Ngunit sa kabilang dako si Jesus ay bahagyang-bahagya na tuwirang tinawag na ‘Diyos’ at kailanman ay hindi siya tinawag ni Pablo na gayon.” (On Being a Christian, p. 440)4

Kung susuriin din maging ang mga sulat ni Apostol Juan, makikitang hindi niya ginamit ang titulong Diyos para kay Cristo. Ipinakilala rin ni Juan sa kaniyang mga sulat na si Cristo ay ang Anak ng Diyos:

“Nguni’t ang mga ito’y nangasulat, upang kayo’y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios, at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.” (Juan 20:31)

“At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo’y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. …” (I Juan 5:20)

Maliwanag sag ma pahayag ni Juan sa kaniyang Ebanghelyo at sulat na si Cristo ay Anak ng Diyos. Hindi niya ikinapit ang titulong Diyos kay Cristo.

Patotoo ng iba pang tauhan sa Biblia
Pinatotohanan din ni Juan Bautista na si Cristo ay Anak ng Diyos:

“At aking nakita at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Dios.” (Juan 1:34)

Ganito rin ang patotoo ng apostol na si Natanael – si Cristo ay Anak ng Diyos:

“Sumagot si Natanael sa kaniya. Rabi, ikaw ang Anak ng Dios; ikaw ang Hari ng Israel.” (Juan 1:49)

Maging si Marta na kapatid ni Lazaro ay nagpahayag na si Cristo ay Anak ng Diyos:

“Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Diossa makatuwid baga’y ang naparirito sa sanglibutan.” (Juan 11:27)

Sa mga talatang mababasa ang “Anak ng Diyos” na tumutukoy kay Cristo ay malinaw na pinatutunayan na hindi si Cristo ang Diyos. Ang salitang “Diyos” sa pariralang “Anak ng Diyos” ay tumutukoy sa Ama at hindi kay Cristo. Maging ang paring Jesuita na si Pedro Sevilla ay ganito rin ang pahayag:

“a) Tinatawag si Cristo na ‘Anak ng Diyos’. Sa parirala o titulong ito, ang tinutukoy ng salitang ‘Diyos’ ay ang Ama.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, pp. 55-56)

Ipinakilala rin ni Cristo na Siya ang Anak ng Diyos
“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay mangabubuhay.” (Juan 5:25)

“Nabalitaan ni Jesus na siya’y pinalayas nila; at pagkasumpong sa kaniya, ay sinabi niya, Sumasampalataya ka baga sa Anak ng Dios? Sumagot siya at sinabi. At sino baga siya, Panginoon, upang ako’y sumampalataya sa kaniya? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Siya’y nakito mo na, at siya nga na nakikipagsalitaan sa iyo.” (Juan 9:35-37)

Maliwanag ang pagpapakilala ni Cristo sa Kaniyang sarili na Siya ang Anak ng Diyos. Hindi Niya ipinakilala na Siya ang Diyos. Ang paring Katoliko na si Pedro Sevilla ay nagsasabi sa kaniyang aklat:

“Kahit sa Ebanghelyo ni Juan, hindi tiyakang sinabi ni Jesus mismo na siya ang Diyos.” (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo, p. 32)

Maging si John A. T. Robinson, isang obispong Anglicano, ay ganito ang sinabi:

“Kailanma’y hindi personal na inaangkin ni Jesus na siya ang Diyos: gayunman lagi niyang inaangkin na dinadala niya ang Diyos nang lubusan.” (Honest to God, p. 73)5

Ang pagiging Anak ng Diyos ang lalong nagpapatunay na hindi si Cristo ang Diyos. Iisa lamang ang tunay na Diyos, ang Ama. Si Cristo ay Anak (hindi Siya ang Ama) ng iisang tunay na Diyos. Ito ay pinatunayan maging ng paring Jesuita na is Juan Trinidad. Ganito ang mababasa sa footnote ng Marcos 1:1 sa isinalin sa Bagong Tipan ng Biblia:

Anak ng Diyos: paminsan-minsan, ay ginagamit ng mga Judio ang pananalitang ito upang ilarawan ang isang may tanging kaugnayan sa Diyos. Dahil dito, noong si Jesus ay tawaging Anak ng Diyos sa mga Ebanghelyo Sinoptiko, iyo’y hindi dapat mangahulugan ng Kanyang pagka-Diyos.” (p. 103)

Ang paring Katoliko na is Richard P. Mcbrien ay nagbigay din ng ganitong patotoo:

“Sa kabilang dako, ang katawagang Anak ng Diyos ay naghahayag ng pagiging malapit sa isa’t isa ni Jesus at ng Diyos, at hindi ng kaniyang pagiging Diyos, tulad ng maaaring iniisip ng marami.” (Catholicism, p. 408)6
(May Karugtong)

Mga Reperensiya:1 Sevilla, Pedro, S.J. Ang Kabanalbanalang Isangtatlo: Ang Diyos ng mga Kristiano. Quezon City, Philippines: Loyola School of Theology-Ateneo de Manila University, 1988.

2”Peter did not claim that Jesus of Nazareth was God. He ‘was a man, commended to you by God by the miracles and portents and signs that God worked through him when he was among you’.” (Armstrong, Karen. A History of God. Great Britain: Mandarin Paperbacks, 1993.)

3”Jesus is never called God in the Synoptic Gospels, and a passage like Mk. 10:18 would seem to preclude the possibility that Jesus used the title himself. Even the fourth Gospel never portrays Jesus as saying specifically that he is God. The sermons which Acts attributes to the beginning of the Christian mission do not speak of Jesus as God. Thus, there is no reason to think that Jesus was called God in the earliest layers of New Testament tradition. This negative conclusion is substantiated by the fact that Paul does not use the title in any epistle written before 58.” (Brown, Raymond E., S. J. Jesus: God and Man. Milwaukee: The Bruce Publishing Company, n.d.)

4”But on the other hand Jesus is scarcely ever directly called ‘God’ and never by Paul himself.” (Kűng Hans. On Being a Christian. New York: Doubleday Image Book, 1976.)

5”Jesus never claims to be God, personally: yet he always claims to bring God, completely.” (Robinson, John A.T. Honest to God. London: SCM Press Ltd., 1963.)

6”The Son of God title, on the other hand, expressed the closeness between Jesus and God, but not necessarily his divinity, as many might think.” (McBrien, Richard. Catholicism. Third Edition. Great Britain: Geoffrey Chapman, 1994.)